Alert status ng Bulkang Mayon ibinaba na sa level 3 ng PHIVOLCS
Ibinaba na ng PHIVOLCS sa alert level 3 ang status ng Mayon Volcano dahil sa bumabang bilang ng aktibidad nito.
Ayon sa abiso ng PHIVOLCS, mula sa alert level 4 na ang kahulugan ay “hazardous eruption iminent” ay ibinaba na nila ang status ng bulkan sa level 3 na ang kahulugan ay “decresead tendency towards hazardous eruption”.
Sinabi ng PHIVOLCS na nitong nagdaang mga araw ay bumaba ang ang aktibidad ng Mayon partikular ang deggasing at pagbubuga nito.
Pero ayon sa PHIVOLCS, ang pagbaba sa alert level status ay hindi mangangahulugang hihinto na ang pag-aalburuto nito.
Aasahan pa rin umano ang patuloy na volcanic earthquakes, magmatic gas output at mahihinang sporadic degassing at paglalabas ng lava ng bulkan.
Maari pa rin ayon sa PHIVOLCS na magkaroon ng ashfall sa upper hanggang sa middle slopes ng Mayon.
Inirekomenda pa rin ng PHIVOLCS ang pagbabawal sa pagpasok sa six kilometer-radius Permanend Danger Zone ng bulkan.
Ang mga naninirahan naman malapit sa PDX ay inabisuhan na patuloy na maging alerto.
Samantala, ipinag-utos naman na ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Legazpi City na pauwiin ang lahat ng evacuees na nananatili sa mga evacuation center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.