CJ Sereno, muling hinimok na magbitiw matapos ang quo warranto case na inihain laban sa kanya
Matapos maihain ang quo warranto case na sinampa ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, muling hinimok ng isang mambabatas ang pagbibitiw nito sa pwesto.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe, kailangan na raw gumawa ni Sereno ng supreme sacrifice upang maisalba ang integridad ng mataas na hukuman.
Ngunit kinontra naman ito ni Anak Mindanao Partylist Representative Makmod Mending at sinabing dapat ay harapin ni Sereno ang impeachment.
Samantala, inamin naman ni Batocabe na maaaring magkaroon ng conflict ang quo warranto sa estado ng impeachment laban kay Sereno.
Malinaw daw kasi na nakasaad sa konstitusyon na Kongreso lamang ang may hurisdiksyon na iimpeach si Sereno at kung papayagan ang isang quo warranto, ay magiging malabnaw na ang poder ng Kongreso pagdating sa pagpapatalsik ng impeachable officials.
Maari din naman aniyang mangyari na magbigay daan na lang sa huli ang kamara kung magdesisyon pabor sa inihain ng osg ang Korte Suprema, nang sa gayon ay hindi na dumiretso na article of impeachment ang komite ng Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.