Libu-libo nangangailangan ng tulong matapos ang 7.5 magnitude earthquake sa PNG
Nangangailangan ng agarang tulong ang libu-libong katao sa mga liblib na lugar sa Papua New Guinea matapos ang magnitude 7.5 na lindol noong nakaraang Lunes.
Ito ang iginiit ng ilang mga aid agencies at sinabing maraming tao partikular sa mga rural areas ang apektado.
Ayon kay Udaya Regmi ng International Red Cross, pinakamalaking problema pa rin ang road access sa mga apektadong lugar dahil maging ang mga trucks at mga sasakyang may apat na gulong ay hindi pa makadaan.
Nagbunsod ng pagguho ng lupa ang naturang pagyanig at pagkasira ng mga kalsada dahilan para hindi maipaabot ang tulong sa mga pinakaapektadong komunidad.
Marami ring aftershocks ang naranasan at kahapon lamang, araw ng Linggo ay mayroong magnitude 6.0 na pagyanig na naitala.
Marami ring local reports na nagsasabing maraming tao ang nasawi ngunit wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa gobyerno.
Ayon kay Regmi, nasa 147,000 katao ang nangangailangan ng pagkain, tubig at proper sanitation.
Idineklara na rin ang state of emergency ngunit hindi pa matukoy ang lala ng pinsala hanggat hindi pa nakukumpleto ng relief workers ang full assessment sa mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.