Mga kaso ng ‘nakaw load’ sisimulan nang imbestigahan sa Senado ngayong araw

By Inquirer.net, Rhommel Balasbas March 05, 2018 - 02:51 AM

 

Sisimulan na ng Senate Committee on Science and Technology ngayong araw ang imbestigasyon sa napakaraming kaso ng biglaang pagkawala ng prepaid mobile loads o ‘nakaw load’.

Sa pangunguna ni Sen. Bam Aquino sa kanyang Senate Resolution No. 595 ay inatasan niya ang kanyang komite na alamin ang kapasidad at kakayahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang mga ahensya upang magpatupad ng mga panuntunan na mangangalaga sa karapatan ng mobile prepaid subscribers.

Sinabi ni Aquino na hindi dapat balewalain ang reklamo ng mga consumers tungkol sa pagkawala ng kanilang load kabilang na ang mischarges at hidden charges.

Iginiit ni Aquino na mandato ng DICT na pangunahan ang mga ahensya na may kinalaman sa ICT sector at siguruhin ang kapakanan ng mga consumer.

Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC) aabot sa 126 million sa kabuuang 130 million mobile phone owners o 97 porsyento ang prepaid susbscribers.

Ilan sa mga kinatawan mula sa mga consumer groups, IT advocacy groups, DICT, NTC, Department of Trade and Industry (DTI) at telecommunications companies ang inaasahang dadalo sa pagdinig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.