“Kabayan” nakalabas na ng PAR pero magdudulot pa rin ng pag-ulan

By Jimmy Tamayo October 03, 2015 - 09:42 AM

kabayan_15100218Lalo pang lumakas pa ang bagyong kabayan habang tinatahak ang direksyon papalabas ng Philippine Area of Responsibility .

Sa pinakahuling Weather Bulletin na inilabas ng PAGASA ngayong umaga namataan ang bagyo 425-Kilometers sa kanlurang bahagi ng Vigan Ilocos Sur at kumikilos ng patungong Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 20-kph.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng siyamnapu’t limang kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa isan-daan at dalawampung kilometro bawat oras.

Inalis na rin ang lahat ng babala ng bagyo bagama’t sinabi ng PAGASA na magpapatuloy pa rin ang mga pag-ulan sa mga lugar na sakop ng 300-kilometers na diameter nito.

Magkakaroon pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa ilang mga lugar sa Pilipinas. Kahapon ay maraming mga lugar sa Northern Luzon, Central Luzon, Metro Manila at Timog Katagalugan ang lumubog sa tubig-baha dulot ng Bagyong Kabayan.

Bagama’t malakas ang ulan sa ibabaw ng Bulacan, sinabi ng PAGASA na kailangan pa rin ang dagdag na tubig sa Angat Dam.

Sa kabila ng mga bagyo pang papasok sa bansa mananatili pa ring mararanasan ang El Nino Phenomenon kaya nananawagan pa rin ang pamahalaan ng pagtitipid sa pag-gamit ng tubig.

TAGS: Kabayan, philippines, Typhoon, Kabayan, philippines, Typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.