China, tiniyak na walang dapat ikabahala sa pagpapalakas nila ng puwersang-militar

By Jay Dones March 04, 2018 - 09:47 PM

 

Tiniyak ng China na wala itong planong guluhin ang kasalukuyang estado ng kaayusan sa Asya at sa mundo.

Ito ang pagtitiyak ng China sa bisperas ng pagbubukas ng National People’s Congress sa Beijing.

Ayon kay Zhang Yesui, tagapagsalita ng National People’s Congress hindi dapat ikabahala ng lahat ang mga hakbang na ginagawa ngayon ng China.

Wala aniyang plano ang China na baligtarin ang maayos na sitwasyon ngayon upang magsimula lamang muli.

Paliwanag pa nito, ang mga ginagawang development ng China ay naaayon sa pagtiyak ng kapayapaan at kasaganaan para sa buong mundo.

Gayunman, aminado si Zhang na may ilang reporma na kinakailangang ipatupad.

Ito aniya ay sa usapin ng international rules, na hindi na naaayon aniya sa kasalukuyang panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.