Nationwide Information Network System itatayo ng gobyerno vs fake news

By Rhommel Balasbas March 04, 2018 - 06:40 AM

Plano ng gobyerno na magtayo ng isang information satellite network sa buong bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na layon ng proyektong ito na labanan ang ‘disinformation’ at ‘misinformation’ o pagkalat ng fake news.

Sa pamamagitan anya ng nasabing satellite network ay maiiwasan ang pagkalat ng pekeng balita dahil sakop nito ang 42,000 baranggay at lahat ng information officers dahilan upang matabunan ang mga balitang hindi totoo.

Ayon kay Andanar, ito ang magiging ‘central hub of information’ at bawat baranggay ay bibigyan ng receiver nang sa gayon lahat ng opisyal ay direktang makatatanggap ng impormasyon mula sa gobyerno.

Pangungunahan ng Presidential Communications Operations Office ang proyekto kasama ang mga tanggapan ng pangulo at ang national security adviser.

Ang nasabing programa ay layong maisakatuparan sa buwan Hunyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.