13 taong gulang na binatilyo napatay sa Tondo, Maynila

By Justinne Punsalang March 04, 2018 - 01:29 AM

Patay ang isang 13 taong gulang na binatilyo matapos itong barilin umano ng isang pulis sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Aldrinne Pineda na isang graduating sudent sa Gen. Vicente Lim Elementary School.

Kwento ng ama nito na si Allan, mismong si Aldrinne ang nagsabi sa kanya na pulis ang bumaril sa kanya.

Ayon kay PO3 Marlon San Pedro, gabi ng Biyernes nang nasa tapat ng Vitas Slaughterhouse si Aldrinne kasama ang kanyang dalawang kaibigan.

Nilapitan umano sila ng isang lalaking may hawak ng flashlight, dahilan upang tumakbo ang magkakaibigan.

Dito na umalingawngaw ang putok ng baril.

Kwento ng isa sa mga kasama ni Aldrinne, lumapit pa sa kanila ang duguang biktima.

Ayon pa dito, nakasuot ng mask, puting damit pang-itaas, at pantalon na katulad ng sa mga pulis ang bumaril sa kaibigan.

Ayon kay San Pedro, posibleng security guard ang nakabaril sa binatilyo ngunit paniwala naman ng ama ng biktima, mas naniniwala siya sa sinabi ng anak na pulis ang may gawa ng pamamaril.

Samantala, sinabi ni Allan na dati na siyang sumuko sa Oplan Tokhang dalawang taon na ang nakakaraan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.