Publiko binalaan ng DILG laban sa mga nagpapakilalang tauhan ng Malacañang

By Mark Makalalad March 03, 2018 - 12:30 PM

Inquirer photo

Pinag-iingat ng Department of the Interior and Local Government ang mga local chief executives, mga opisyal ng gobyerno pati na ang publiko laban sa scammers na nangangako na kaya nilang mag-appoint ng pwesto sa revolutionary government.

Partikular na tinukoy ng ahensya ang grupo na “Peoples Congress”.

Ayon kay DILG OIC Eduardo Año, nakatanggap kasi sila ng ulat na may mga naglilibot sa mga bayan at lalawigan na sinasabing binigyan daw sila ng kapangyarihan ng Malacañang na makapag-appoint ng local executives na magte-takeover sa mga kasalukuyang elected officials sa sandaling maitatag na ang revolutionary government .

Isa sa mga nagpakilalang lider ng grupo ay si“Jose Roa Matias II”, na nagpakilalang abogado at kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero lumalabas sa imbestigasyon ng DILG na si Matias ay hindi totoong abugado dahil hindi kasama ang kanyang pangalan sa  listahan ng Integrated Bar of the Philippines.

Kaugnay dito, inalerto na ni Año ang Philippine National Police kaugnay sa mga aktibidad ng grupo.

Nabatid na nagsasagawa na ng recruitment activities ang grupo at nanghihingi ng kabayaran para sa  membership IDs at t-shirts. Nag-aalok din sila ng employment opportunities para makapag-enganyo at magmukhang lehitimo.

TAGS: DILG, eduardo año, PNP, revolutionary schedule, DILG, eduardo año, PNP, revolutionary schedule

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.