Gobyerno kinalampag ng mga nabakunahan ng Dengvaxia

By Mark Makalalad March 03, 2018 - 09:16 AM

Photo: Mark Makalalad

Upang ipanawagan ang hustisya sa mga naturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia, nagsagawa ng advocacy run ang ilan sa mga nabiktima nito.

Pasado Alas-7:00 ng umaga, nagtipon ang nasa 200 mga kabataan sa Quezon City Memorial Circle at sabay-sabay na tumakbo.

Kalahati sa bilang ng mga ito ang naturukan ng Dengvaxia.

Karamihan sa kanila ay nangaling Quezon City, Marikina, San Juan, Valenzuela at Caloocan.

Ayon kay Eule Bonganay na siyang Secretary General ng Salinhali, target ng naturang aktibad na papanagutin si Dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa pagpapahintulot nito ng pagbabakuna sa mga bata.

Hindi rin nililinis ng grupo ang pangalan ni Pangulong Duterte, dahil nagpatuloy pa ang pagbabakuna sa mga bata sa termino nito.

Daing pa nila, tila mabagal ang imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Accountability sa isyu.

Kaya naman nangangamba sila na baka sa huli ay wala ring mapanagot dito.

Samantala, nanawagan din ang grupo ng full refund sa pharmaceutical company na Sanofi Pasteur sa ibinayad dito ng pamahalaan.

Magugunitang nagkaroon ng mass hysteria dahil sa mga napabalitang namatay matapos makaranasa ng pananakit ng katawan at lagnat dahil sa Dengvaxia.

TAGS: advocacy run, Dengvaxia, duterte, salinlahi, advocacy run, Dengvaxia, duterte, salinlahi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.