Halos 3,000 tangkay ng marijuana binunot ng Cebu Police sa isang gov’t lot
Nasamsam ng City Mobile Force Company ng Cebu City Police Office (CCPO) ang aabot sa 2,822 na tangkay ng marijuana sa isang loteng pagmamay-ari ng gobyerno sa Sitio Mapa, Brgy. Tagbao, lungsod ng Cebu.
Binunot ng pulisya sa lupa ang 1,285 fully grown at 1,537 young marijuana stalks.
Ayon kay City Mobile Force Commander Supt. Tim Alam, isang concerned citizen ang nag-tip sa kanila tungkol sa nasabing plantasyon ng marijuana sa Sitio Mapa.
Ito ang nagbunsod sa mga awtoridad upang tingnan ang lugar.
Nagsagawa ng raid ang grupo madaling-araw ng Biyernes.
Aabot sa P203,350 ang estimated market value ng nasabing mga tanim na marijuana.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari ng marijuana plantation.
Nakatadang i-turn-over ang mga ito sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa proper disposal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.