Mga Pinoy, dapat ding subukang pagkatiwalaan ang China – Palasyo
Dapat patunayan ng China na mapagkakatiwalaan ito kasunod ng survey na nagpapakita na maliit ang tiwala ng maraming Pilipino sa naturang bansa kumpara sa ibang kaalyado ng Pilipinas.
Lumabas kasi sa Social Weather Stations survey, na US at Japan pa rin ang pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy kumpara sa China.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, matagal nang kaalyado ng Pilipinas ang nasabing dalawang bansa at bagong kaibigan lang ng bansa ang China kaya hindi nakakapag-taka ang resulta ng survey.
Gayunman sinabi ni Roque na dapat bigyan ng mga Pinoy ng pagkakataon ang China na nangako ng dagdag negosyo at mga turista sa bansa.
Sinabi ng kalihim na makabubuting hintayin na lamang kung ano ang mangyayari sa mga pangako ng China.
Sa ngayon anya ay dapat na bumuti pa ang ugnayan ng Pilipinas at China na nagka-tensyon dahil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.