2 patay sa pamamaril sa Central Michigan University

By Kabie Aenlle March 03, 2018 - 03:06 AM

(Lisa Yanick Litwiller/The Morning Sun via AP)

Dalawa ang kumpirmadong napatay matapos ang pamamaril ng isang dunman sa Cambell Hall dormitory sa Central Michigan University.

Nakilala ang suspek na si James Eric Davis Jr., 19 taong gulang at hindi pa naaaresto ng mga otoridad.

Huling nakita si Davis na nakasuot ng mustard yellow na pantalon at kulay asul na hoodie, na itinuturing ng mga pulis na nananatiling “armed and dangerous.”

Nangyari ang pamamaril Biyernes ng umaga sa Michigan, sa ikaapat na palapag ng naturang dormitory.

Napag-alaman na hindi estudyante ang mga nasawing biktima sa insidente na pinaniniwalaang nag-ugat sa isang domestic dispute.

Wala naman nang ibang naitalang nasaktan sa pamamaril, pero pinayuhan ng mga otoridad ang mga tao na magtago.

Sa ngayon ay isinailalim sa “secure mode” ang mga paaralan sa Mount Pleasant kung saan naroon ang naturang unibersidad.

Ito’y nangangahulugan na ang lahat ng mga interior doors ay naka-lock, habang nakababa naman o nakasara ang mga kurtina, at walang sinumang papayagang pumasok sa mga gusali.

Nagpatupad na rin ng lockdown ang McLaren Central Michigan hospital.

Tinatayang nasa 20,000 ang bilang ng mga estudyante sa naturang paaralan.

Ito na ang ika-12 naitalang school shooting sa US mula nang pumasok ang taong 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.