1,000 pangalan, nadagdag sa drug watchlist ng PNP
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pangalan na nasa drug watchlist ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao, nadagdagan ng 1,000 drug personalities ang naisama sa kanilang listahan sa loob ng halos isang buwan.
Nabatid kasi na noong February 9, 2018 ay nasa 11,000 lang ang tinutukan na drug targets ng PNP pero ngayong March ay nasa 12,000 na ang nasa kanilang watchlist.
Kasama sa updated watchlist ang mga sinabing “big fish” at mga street level pusher at user.
Lahat anya ng ito ay magiging target ng Oplan Tokhang ng mga tokhangers nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.