Hukom sa kaso ni Espinosa, hindi mag-iinhibit

By Rohanisa Abbas March 02, 2018 - 05:00 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Ibinasura ng korte ang mosyon ng government prosecutors na mag-inhibit sa kaso ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa si Manila Regional Trial Court Branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr.

Hindi pinagbigyan ni Pampilo ang naturang kahilingan. Isinaad niya na sa ilalim ng Rules of Court, hindi sapat ang “mere imputation of bias and partiality” para bitawan niya ang kaso, lalo pa kung walang basehan ang alegasyon.

Kinikilala ni Pampilo ang kahalagahan ng kaso sa panig ni Espinosa at ng prosekusyon. Aniya, lahat ng partido ay nasa panganib. Inihalimbawa niya ang pagkapatay sa abogado ni Espinosa na si Atty. Jonah John Ungab sa pamamaril
sa Cebu.

Gayunman, iginiit ng hukom na didinigin niya ang kaso ng confessed drug lord nang walang takot at nang walang pinapaboran.

Ipinahayag ni Pampilo na walang merit o legal na batayan ang mga alegasyon ng prosecutors.

Hiniling ng public prosecutors na mag-inhibit sa kaso dahil sa umano’y bias ni Pampilo sa pagtatanong sa panig ni Espinosa na tila nakatulong pa umano sa kanya.

Si Espinosa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Atty. Jonah John Ungab, kerwin espinosa, Manila Regional Trial Court Branch 26, Manila RTC Judge Silvino Pampilo Jr., mosyon ng government prosecutors, Atty. Jonah John Ungab, kerwin espinosa, Manila Regional Trial Court Branch 26, Manila RTC Judge Silvino Pampilo Jr., mosyon ng government prosecutors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.