Police asset, patay sa pamamaril sa Dumaguete

By Kathleen Betina Aenlle October 03, 2015 - 04:20 AM

crime-scene-e1400865926320Patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem ang dating jail guard na naging police asset kahapon sa Dumaguete City, Negros Oriental, habang naiwang sugatan naman ang kaniyang kasama.

Nadala pa sa ospital ang biktimang nakilalang si Harris Alivio, 39 anyos, ngunit makalipas ang isang oras ay namatay din ito dahil sa limang tama ng bala sa katawan.

Tinanggal sa pagiging jail guard noon si Alivio dahil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, pero kalaunan ay naging asset siya ng mga pulis sa kanilang mga operasyon.

Ayon sa paunang imbestigasyon, dumating sa isang housing site sa Barangay Cadawinonan sa Dumaguete si Alivio para kitain ang isang Tata.

Sa pagdating ni Alivio ay ipinaayos niya ang headlight ng kaniyang motor kay Rico Sapio habang kausap ito, si Tata at Crisanto Cadayday na katulong ni Sapio.

Biglang dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklong walang plaka at pinagbabaril ng isa sa kanila si Alivio, samantalang tinamaan rin ng bala ang kaliwang kamay ni Sapio.

Pangatlong police asset na si Alivio na napatay ng mga hinihinalang hit men ng mga grupong nagbebenta ng droga sa lungsod.

Ang barangay Cadiwonan ay isa sa apat na lugar na may talamak na bentahan ng ilegal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.