Suplay ng bigas sa bansa aabot ng tatlong buwan ayon sa PhilRice
Inihayag ng Philippine Rice Research Institure (PhilRice) na aabot pa ng hanggang tatlong buwan ang stock ng bigas sa bansa mula sa ani noong nakaraang taon.
Ngunit sa kabila nito, sinabi din ng PhilRice na may pangangailangan pa rin para umangkat ng bigas mula sa ibang bansa.
Ito ay para paghandaan ang tinatawag na ‘lean months’ sa produksyon ng bigas sa bansa.
Nagsagawa ng pagsasaliksik ang isang grupo ng mga ekonomista ng PhilRice at base sa mga nakolekta nilang datos, kailangan pa rin pataasin ng gobyerno ang produksyon ng bigas.
Gayundin, anila ang pangangailangan na ibaba ang halaga ng produksyon.
Ipinaliwanag din ng ahensiya na mahalaga ang pag-aangkat ng bigas dahil ang panahon ng anihan sa bansa ay nangyayari sa huling tatlong buwan kada taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.