Pitong kulektor ng ilegal na operasyon ng STL, arestado sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2018 - 12:16 PM

Arestado ang pitong katao na hinihinalang kulektor ng ilegal na operasyon ng small town lottery (STL) sa Lucena City at sa bayan ng Sariaya sa lalawigan ng Quezon.

Huli sa aktong nangungulekta ng taya sa Barangay Ibaibang Iyam ang suspek na si Zyra Cayao kasama ang iba pang kulektor na sina John Mark Pabalonia, Arthur Galon, Rodolfo Tiosan, Jean Jasolin at Rowena Cescano.

Ayon kay Quezon police chief Senior Supt. Rhoderick Armamento, nakuha mula sa mga suspek ang collection form para
sa STL, mga kagamitan at perang itinaya.

Sa Barangay Manggalang Uno naman sa Sariaya, naaresto si randy Mayuga habang nangungulekta din ng taya.

Nabigo umano ang mga nadakip na suspek na magpakita ng lehitimong ID na mula sa Pirouette Gaming Corp. – ang lehitimo at lisensyadong STL operator sa lalawigan.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9287 o An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Game.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: luceña, Quezon, Sariaya, STL, luceña, Quezon, Sariaya, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.