Express lane para sa mga naturukan ng Dengvaxia, ipalalagay na rin sa mga pribadong ospital
Lalagda sa kasunduan ang Department of Health (DOH) sa mga pribadong pagamutan para sa paglalagay na rin ng express lane para sa mga pasyenteng naturukan ng Dengvaxia.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sa susunod na linggo maisasapinal ang kasunduan kung saan ang mga pribadong ospital ay magkakaroon na rin ng one-stop shop o express lane para sa mga makararanas ng sintomas at naturukan ng nasabing anti-dengue vaccine.
Ngayong umaga nag-ikot si Duque sa mga pagamutan kung saan may mga pasyenteng naturukan ng Dengvaxia.
Kabilang dito ang mga pasyente sa San Lazaro Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center.
Tiniyak din ni Duque sa mga magulang ng mga bata na aasikasuhing mabuti ang kanilang mga anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.