Kontrobersyal na ‘Playgirls’, ginamit din sa kampanya ng kapatid ni Tolentino

By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2015 - 04:17 AM

12071511_887725544645556_1818730004_nIkinampanya ng kontrobersyal na girl group na Playgirls ang kapatid ni MMDA Chairman Francis Tolentino noong 2013 elections.

Matapos kumalat sa social media ang malaswang pagsasayaw ng grupo kasabay ng birthday ni Laguna Rep. Benjie Agarao ay agad itinanggi ni Tolentino na regalo niya ang mga dancers sa kongresista.

Sinabi ng mismong emcee ng programa na surprise gift ni Tolentino kay Agarao ang playgirls pero paliwanag ng MMDA Chairman, baka mis-informed lang ang mga tao sa balita.

Base sa facebook page ng grupo, ang playgirls ay nag-perform sa kampanya ni Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa Indang Cavite noong Spril 2013.

Nakaasaad sa isa pa nilang post na inimbitahan sila ni MMDA Chairman Tolentino sa nasabing campaign sortie.

Nagpasalamat ang playgirls na kinuha sila sa kampanya ng kanyang kapatid na outgoing Mayor ng Tagaytay at noon ay tumatakbong Kongresista ng 7th District ng Cavite.

Samantala, sa isang panayam ay sinabi ng manager ng grupo na si Michael Tupaz na inimbitahan sila para sa isang birthday party sa Laguna sa pamamagitan ng booking agent. “Personally, I don’t know him (Francis Tolentino). Hindi nga namin alam na nandoon si Chairman Tolentino” pahayag nito.

Huwebes lang aniya nila na-realize na magpe-perform sila sa mga miyembro ng Liberal Party kasabay ng kaarawan ni Agarao.

Iginiit ng manager na hindi nila hilig gumawa ng iskandalo o isyu at trabaho lang sa kanila ang performance sa Laguna. “Ang ginagawa po naming show is the usual show we do. For us, it was just a regular show, a regular job,” dagdag ni Tupaz.

Anim na taon na aniya sa industriya ang playgirls,at bukod sa mga performance sa mga piyesta at ibang events ay kasama rin ang grupo sa mga kampanya ng ibang pulitiko noong 2013 elections.

TAGS: PlaygirlsonLPevent, PlaygirlsonLPevent

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.