Lalaki hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa Caloocan

By Justinne Punsalang March 02, 2018 - 08:43 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Dead on the spot ang isang lalaking suspek sa panghoholdap sa Barangay 160, sa lungsod ng Caloocan.

Wala pang pagkakakilanlan ang suspek na isang notorious holdupper sa Caloocan ngunit nakilala lamang ito sa alyas na Tangkad.

Kwento ng babaeng biktima, naghihintay siya ng masasakyang bus sa tapat ng isang convenience store sa Barangay 138 nang lapitan siya ng riding-in-tandem at tutukan ng baril sa likod bago nagdeklara ng holdup.

Sa takot ng biktima ay hindi na siya umimik at ibinigay na lamang ang kanyang bag na naglalaman ng mga importanteng ID at pera.

Matapos ang insidente ay hindi na mapakali ang biktima at nakita siya ng mga Detective Beat Patrol ng Caloocan City Police. Ikinwento ng biktima ang nangyari at agad na iniradyo ng mga pulis ang hitsura ng motor at mga suspek.

Kaya naman nang mamataan ng mga nagpapatrolyang pulis sa Barangay 160 ang motor ay tinugis nila ang mga ito.

Sumemplang ang motor sa NLEX West Service Road at nagtangka pa si alyas Tangkad na paputukan ang mga pulis kaya naman inunahan na siya ng mga otoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Samantala, nakatakas naman ang driver ng motor.

Ayon kay Police Senior Superintendent Jemar Modequillo, patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang kasama ni alyas Tangkad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: hold up, metro news, Radyo Inquirer, hold up, metro news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.