Panukalang nais pagandahin ang US-Taiwan relations, aprubado sa US Senate

By Rhommel Balasbas March 02, 2018 - 01:06 AM

 

Lagda na lang ni US President Donald Trump ang hihintayin upang tuluyang maipasa ang isang panukalang batas na layong itaguyod ang mas magandang relasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Taiwan.

Nito lamang Miyerkules ay naipasa ng US Senate ang ‘Taiwan Travel Act’ kung saan lahat ng Senador ay bumoto pabor sa panukala.

Noong Marso ay pinagbotohan din ito sa Kongreso at hindi rin nakakuha ng pagtutol.

Sa ilalim ng panukalang bill, magiging bahagi ng polisiya na payagan ang mga opisyal ng Estados Unidos na tumungo sa Taiwan upang makapulong ang kanilang counterparts; payagan ang matataas na opisyal din ng Taiwan na makapasok sa US sa ilalim ng karampatang mga kondisyon at makapulong din ang mga opisyal ng bansa; ay hikayatin ang mga mamumuhunang Taiwanese na magnegosyo sa US.

Nauna nang nagalit ang China tungkol sa naturang panukalang batas at ibinabala na maaari nitong maapektuhan ang kapayapaan sa Taiwan Strait.

Ikinatuwa naman ng Taiwan ang pagkakapasa ng batas sa Senado at pinasalamatan ang pamahalaan ng US sa mas gumaganda nitong pakikitungo sa Taiwan.

Samantala, hindi naman nagbigay agad ng komento ang White House kung kailan lalagda si Trump upang maging ganap nang batas ang panukala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.