Taguig City, inaaksyunan na ang measles outbreak sa lungsod

By Rhommel Balasbas March 02, 2018 - 03:21 AM

 

Siniguro ng lokal na pamahalaan ng Taguig na kasalukuyan na silang tumutugon para maiwasan pa ang pagkalat ng tigdas matapos ideklara ang measles outbreak sa lungsod.

Idineklara ng Department of Health (DOH) ang measles outbreak sa Taguig matapos makapagtala ng pitong kaso ng tigdas sa isang baranggay.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Taguig Mayor Lani Cayetano na sinimulan nang magbahay-bahay ng mga kawani ng City Health Office para magsagawa ng mga bakuna kontra-tigdas sa mga batang may edad limang-taong gulang pababa.

Iginiit din ng pamahalaang lokal na bukod sa immunization program ay pinaiigting pa ang health education programs sa lungsod.

Nanawagan si Cayetano sa mga residente particular sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para maging measles-free ang Taguig.

Nauna nang sinabi ng DOH na isa sa posibleng dahilan ng outbreak ay ang pagbaba ng immunization coverage sa lungsod bunsod ng kontrobersyal na dengue vaccine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.