OFF CAM ni Arlyn Dela Cruz

May 11, 2015 - 11:44 AM

for radyo inquirer columnBatay sa karanasan, kadalasan, ang unang anggulo ng balita o unang pahayag sa balita lalo na’t dikit na dikit sa pinatutungkulang pangyayari, yun ang tunay na anggulo, yun ang tunay na bersiyon ng balita o ng isang kuwento.

Kaya nang sabihin ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines na isang Deep Penetration Agent nila ang nakapatay sa bomb expert at wanted terrorist na si Basit Usman, walang dahilan na pagdudahan ito. Kaso may ibang bersiyon. Yun na ang bersiyon ng Moro Islamic Liberation Front na nagsabing kumander nila ang nakapatay kay Usman. Dalawa pa ngang pangalan ang ibinigay eh. Kung hindi daw si Kumander Barok at si Kumander Marlboro daw ang nakapatay sabi ni MILF Vice Chariman for Political Affair Ghadzali Jaafar. Isang target, dalawa ang shooter? Puwede naman. Pero, aangkin ka rin lang, dapat malinaw na kung sino sa tauhan mo.

Wala namang usapin kung sino ang pumatay o nakapatay. Kaso kapag may pinaguusapan ng $1-Million reward sa ulo ng napatay, maraming puwedeng maglaro sa isipan. Government forces are not entitled to reward money but civilian assets of either the military or the police are qualified recipients of the reward money. Taal kasi sa pagiging kasapi ng hukbong sandatahan o ng pambansang pulisya ang tugisin ang mga taong tulad ni Usman kaya wala silang bahagi o karapatan sa reward money.

Ang tanong, sibilyan bang maituturing ang isang armadong kasapi ng MILF? Kumander nga eh. Lider ng isang pangkat sa loob ng isang rebolusyunaryong organisasyon na hindi pa ganap o selyado ang pakikipagkasundo sa pamahalaan ng Pilipinas alang-alang sa ngalan ng kapayapaan, kaunlaran at katatagan ng Muslim Mindanao.

Dito na papasok yung punto kung bakit, sa dulo, iba man ang anggulong kanilang sinabi sa media at sa publiko tungkol sa kung sino ang nakapatay kay Usman, pumanig at sumang-ayon na rin ang AFP na MILF nga o tauhan nga ng MILF ang nakapatay kay Usman.

At ano ang puntong nais na isulong na mas pakikinabangan lalo na sa duda at paglayo ng maraming sektor sa Bangsamoro Basic Law lalo na pagkatapos ng madugong Mamasapano incident? Walang iba kundi ang maipakita na ayun naman pala eh, puwede namang katuwang ang MILF sa paglaban sa terorismo. Kitam, pinatay nila si Usman!

The bottom line is the peace process. There is nothing really wrong with that except that in giving weight to the peace process and the BBL, there appears to be a consistent effort to hide the true picture.

Balikan natin ang kuwento ng SAF-44 na napaslang sa Mamasapano. Balikan natin si Marwan o si Jul Kifli Bin Hir at kung paano siya napatay. Balikan natin ang impormasyong alam na ng publiko na nang masukol si Marwan, kasama si Usman, nakapuslit lang. Balikan natin ang kuwento kung bakit PNP-Special Action Forces ang nandun at kung bakit hindi alam ng AFP, ng 6th Infantry Division na may operasyon ang nauna. Magkakaugnay ang mga ito. Ibang operasyon, ibang paraan ng pagkakapatay ngunit magkaugnay.

Then you realize that in the end, the bottom line does not actually deliver the truth. (wakas)

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.