Turismo sa Boracay lalong sumigla dahil sa ‘cesspool’ comment ng pangulo

By Len Montaño March 02, 2018 - 12:35 AM

 

Imbes na makasira, lalo pang naka-engganyo sa mga turista na pumunta sa Boracay ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang ‘cesspool’ ang isla.

Ayon kay Atty. Helen Catalbas, Regional Director ng Department of Tourism sa Western Visayas, tumaas pa ng bilang ng mga turista na bumisita sa Boracay ngayong taon kumpara noong 2017.

Sa datos ng ahensya, nasa 35,757 local tourists ang pumunta sa Boracay mula February 12 hanggang 18 ngayong taon na mas madami kaysa 25,525 sa parehong period noong nakaraang taon.

Sa kabuuan ay nasa 48,904 ang mga turista sa Boracay ngayong 2018 na 15 percent na mas mataas kumpara sa naitalang bilang na 42,473 noong 2017.

Ayon kay Tourism Sec. Wanda Teo, siguro ay mas naging curious ang mga turista para malaman kung totoo ba ang sinabi ng pangulo na cess pool na ang isla.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.