Pagtulong ng ROTC kontra terorismo posible ayon sa DND

By Mark Makalalad March 01, 2018 - 03:42 PM

Inquirer file photo

Hindi umano malayo sa katotohanan ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng armas sa mga nakatapos ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) at mga military reservists bilang bahagi ng hakbang laban sa terorismo.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, posible kasing mapalakas ang Armed Force ng bansa sa pamamagitan ng pag-back up ng reserved forces.

Sa katunanaya anya, ang ibang bansa kagaya ng Switzerland at Israel ay inaarmasan ang mga Army Reserved.

Paliwanag nya, ganito rin ang target na makamit ng bansa – ang pagkakaroon ng active military unit.

At para maisakatuparan ito dapat ang bawat rehiyon ay may reserve unit ng mga ROTC graduates na humahawak ng armas.

Paghahalimbawa nya pa, malaki ang naitulong ng Lanao Del Norte Reserve Battalion noong kasagsagan ng Marawi seige.

Matatandaang sa una nang sinabi ni Pangulong Duterte na gagawin niya ang pag-aarmas sa mga ito sa oras na lumala ang terorismo sa bansa.

Inihayag pa ng Commander-in-Chief na posible kasing nagpapalakas ng pwersa ang mga natitirang terorista para muling sumalakay sa Mindanao kaya dapat itong paghandaan ng gobyerno.

TAGS: Army, duterte, reservist lorenzana, Terorismo, Army, duterte, reservist lorenzana, Terorismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.