Dalawang drug personalities sa South Cotabato patay matapos manlaban sa mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2018 - 12:45 PM

Patay ang dalawang drug personalities makaraang manlaban sa mga otoridad na magsisilbi ng search warrant sa Polomolok town, South Cotabato.

Maliban sa dalawang nasawi, 16 pa na pawang drug peddlers at pushers ang inaresto sa isinagawang simultaneous “One Time Big Time” anti-drug operations sa limang mga barangay sa Polomolok.

Ayon kay Chief Inspector Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Central Mindanao police, nanlaban ang dalawang nasawi na sina Ruben Porsuelo at Bobong Jamelo.

Pinaputukan umano ng dalawa ang mga otoridad nang dumating sa lugar.

Naisugod pa sa ospital ang dalawa pero idineklarang dead on arrival.

Katuwang ng mga pulis sa isinagawang operasyon ang mga tauha ng 27th Infantry Battalion nang isilbi ang 34 search warrants sa mga barangay ng Poblacion, Rubber, Lumakil, Magsaysay at Silway 8.

Nakuha mula sa dalawang nasawi ang mga armas at granada.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Polomolok, Radyo Inquirer, South Cotabato, Polomolok, Radyo Inquirer, South Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.