Pagbibigay ng SSS pension ngayong Marso maantala
Posibleng maantala ang pagre-release ng Social Security System (SSS) sa pensyon ng kanilang mga miyembro para sa buwan ng Marso.
Ayon sa pahayag ng SSS, ilan sa mga pensiyonado ang maaaring makaranas ng pagkaantala sa pagtanggap ng kanilang buwanang pensyon dahil sa pagsasaayos sa E-disbursement System.
Busod ng pagsasaayos ay maaantala ang paglalabas ng pondo sa mga bangko.
Gayunpaman, tinitiyak ng SSS sa mga maaapektuhang pensiyonado na matatanggap nila ang kanilang buwanang pensyon simula Marso 6.
Humihingi rin ng pang-unawa ang SSS sa mga pensyonado bunsod ng abala ng system enhancements.
Layunin ng enhancement sa kanilang sistema na makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa mga miyembro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.