Unang araw ng fire prevention month, isang apartment sa Malabon, tinupok ng apoy

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2018 - 07:30 AM

Sa unang araw ng fire prevention month, nakapagtala agad ng insidente ng sunog sa Malabon.

Isang apartment ang nasunog sa bahagi ng Barangay San Agustin sa Malabon City na tumagal lang ng mahigit 30-minuto.

Ayon sa Malabon Fire Department, nagsimula ang sunog pasado alas 4:00 ng umaga na umabot lang sa unang alarma.

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at wala ring ibang bahay na nadamay sa sunog dahil mabilis itong naapula ng mga bumbero.

Alas 4:49 ng umaga ay naideklarang under control na ang sunog.

Inaalam pa ng fire bureau kung magkano ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay San Agustin, fire incident, Malabon, Radyo Inquirer, Barangay San Agustin, fire incident, Malabon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.