Kampanya para sa fire prevention month ng BFP, umarangkada ngayong araw
Inilunsad na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong araw, (Huwebes, March 1, 2018) ang kanilang kampanya para sa fire prevention month.
Ang programa na may temang “Ligtas Pilipinas: Rally for a Fire Safe Philippines” ay inumpisahan alas 6:00 pa lamang ng umaga sa pamamagitan ng isang motorcade at rally/walk.
Limang distrito ng BFP sa National Capital Region (NCR) ang kalahok sa motorcade kung saan ang mga tauhan ng BFP at mga fire volunteer mula sa San Lazaro Fire Station, C3 Road corner Rizal Avenue, Macapagal Blvd., corner EDSA, Greenhills, Ortigas Avenue; at sa Quezon City Memorial Circle ay sa sabayang nagtungo sa Rizal Park.
Ang mga kalahok naman sa rally/walk ay na nagmula sa bahagi ng Intramuros Fire Station, SM City Manila at sa Paco Park ay sabayang nagtungo din sa Rizal Park para sa gagawing “Salubungan” sa Quirino Grandstand.
Ang programa sa grandstand ay dadaluhan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año.
Bahagi ng programa ang flash mob production number ng 600 fire trainis mula sa National Fire Training institute sa Laguna. At ang simulation exercise na magpapakita ng kakayahan ng BFP sa pagtugon sa kalamidad gaya ng malakas nan a lindol.
Magkakaroon din ng unity dance kung saan ang lahat ay palalahukin sa Zumba at habang sila ay nagsasayaw, labingdalawang truck ng bumbero ang magbubuga ng colored streams ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.