SWS Survey: US, pinakapinagkakatiwalaan ng mga Pinoy; neutral lang sa China

By Rhommel Balasbas March 01, 2018 - 03:35 AM

Pinakapinagkakatiwalaan ng mga Filipino ang Estados Unidos habang ‘neutral’ lamang sa China ayon sa isang survey.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong huling bahagi ng 2017, nakakuha ang US ng +68 net trust rating.

Sinundan ito ng Canada na may + 55 at Japan na may +54. Ang tatlong bansa lamang na ito ang nakakuha ng ‘very good rating’ mula sa mga Filipino.

‘Moderate net trust ratings’ naman ang nakuha ng Singapore na may +29, Malaysia na may +20, Thailand na may +19, Indonesia na may +18, Brunei na may +16, at ang Vietnam naman ay nakakuha ng +13.

Samantala, ‘neutral trust ratings’ naman ang nakuha ng apat na bansa kabilang ang China na may +7 lamang, Myanmar na may +8, Cambodia na may +7 din at Laos na may +3.

Tanging ang North Korea lamang ang nakatanggap ng ‘poor net trust ratings’ sa lahat ng bansa na nakapagtala ng -19 sa survey.

Ayon sa SWS, mula pa nang mapabilang sa survey ang US noong December 1994 ay positibo na ang public trust rating nito.

Ang China naman ay nagtala ng 20 puntos na pagtaas mula sa -13 na nakuha nito sa kaparehong survey noong September 2017.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults na may edad 18 taong gulang pataas sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.