Iceland, magbabago ang pananaw sa sitwasyon ng human rights sa Pilipinas – Cayetano

By Kabie Aenlle March 01, 2018 - 03:28 AM

Malakas ang kumpyansa ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na magbabago rin ang pananaw ng Iceland tungkol sa sitwasyon ng human rights sa bansa.

Ayon kay Cayetano, mangyayari ito oras na bumisita na sa Pilipinas si Foreign Minister Gudlaugur Thor Thordarson.

Nagpulong aniya sila ni Thordarson matapos itong manawagan sa United Nations na imbestigasyon ang mga umano’y paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte, partikular na dahil sa umiiral na war on drugs.

Ayon kay Cayetano, sinabi niya kay Thordarson na huwag lang basta pakinggan ang kaniyang mga sinasabi kundi personal na bumisita sa Pilipinas upang siya mismo ang makasaksi sa sitwasyon.

Nagkaroon si Cayetano ng pagkakataong makausap si Thordarson sa sidelines ng High-Level Segment meeting ng 37th Session ng United Nations Human Rights Council.

Inamin naman ni kalihim sa opisyal ng Iceland na nadismaya siya sa pahayag nito, at iginiit na mas mabuti siguro kung nakipag-ugnayan muna ang nasabing bansa sa Pilipinas upang marinig ang panig ng gobyerno.

Bagaman bukas ang pamahalaan na magpa-imbestiga sa UN, nanindigan sila na hindi nila papayagang si Special Rapporteur Agnes Callamard ang tutungo sa bansa para ito ay maisakatuparan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.