Bagyong Kabayan lumakas pa habang palabas ng bansa
Lumakas pa ang bagyong Kabayan habang kumikilos patungo ng West Philippine Sea.
Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 205 kilometers Northwest ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers kada oras. Kumikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers kada oras.
Inaasahang lalabas ito ng bansa sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang ala 1:00 ng madaling araw bukas.
Dahil sa patuloy na paglayo ng bagyong Kabayan, inalis na ng PAGASA ang lahat ng inisyung public storm warning signal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.