Kampo ni CJ Sereno alam nang mai-impeach siya sa kamara

By Jan Escosio February 28, 2018 - 12:51 PM

Inaasaahan na ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na siya ay maiimpeach sa mababang kapulungan.

Ito ang dahilan kaya’t ipinaalam na nito sa Supreme Courtn en banc na nais niyang mag-indefinite leave.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, magiging bahagi ng indefinite leave ng punong mahistrado ang kanyang wellness leave na mula Marso 1 hanggang Marso 15.

Paliwanag pa ni Lacanilao ang gagawin ni Sereno ay indefinite leave dahil hindi nito alam kung kailan matatapos ang kanyang paghahanda para sa kanyang impeachment trial sa senado.

Samantala, nilinaw din ni Lacanilao na hindi pa nagbibitiw sa posisyon si Sereno gaya ng mga naglalabasang ulat na napuwersa ito ng mga kapwa mahistrado na magbitiw na dahil nasisira ang Korte Suprema bilang institusyon sa hudikatura.

Kaya’t paliwanag pa nito ang anumang pamimilit sa punong mahistrado para magbitiw sa puwesto ay paglabag sa saligang batas.

Narito ang ulat ni Jan Escosio:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Jojo Lacanilao, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Jojo Lacanilao, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.