Magkapatid na Joel at Mario Reyes nabasahan na ng sakdal

By Len Montaño October 02, 2015 - 02:29 PM

reyes-brothersKapwa tumangging magpasok ng plea ang magkapatid na Joel at Mario Reyes sa isinagawang arraignment o pagbasa ng sakdal sa kasong pagpatay sa mamamahayag at environmentalist na si Gerry Ortega.

Dahil walang inihaing plea ang dalawa, ang Puerto Princesa City Regional Trial Court Branch 53 na ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ para sa kanila.

Ang magkapatid na reyes ay nakakulong ngayon sa Palawan City Jail matapos madakip sa Thailand kamakailan dahil sa pagiging overstaying.

Pansamantala silang nananatili sa Camp Crame nang dumating sa bansa noong September 25, at doon isinailalim sa booking process bago dinala sa Puerto Princesa City.

Ang dalawa ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Ortega noong January 2011 matapos ma-trace na ang ginamit na baril ng gunman ay pag-aari ng abugado ng dating gobernador.

Tatlong taon ding nagtago ang dalawa sa ibang bansa at namuhay ng marangya sa Phuket Thailand, kung saan sila nanirahan sa isang Villa malapit sa resort.

TAGS: #ReyesBrothers, #ReyesBrothers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.