Impeachment vs Sereno posibleng sa Hulyo pa matalakay ng Senado

By Rohanisa Abbas February 28, 2018 - 12:02 PM

Hindi agad maasikaso sa Senado kung sakaling maiakyat sa kanila ang impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang inamin ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Sotto, matatapat kasi ito sa bakasyon ng mga mambabatas sa Holy Week, at adjournment sine die.

Sa pagtaya ng senador, posibleng Hulyo o pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte pa uusad ang impeachment case laban kay Sereno sa senado.

Nakatakdang pagbotohan ng House justice committee ang determination of probable cause sa kaso ng punong mahistrado sa susunod na linggo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: impeachment case, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Senate, impeachment case, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.