Residential area sa Barangay Tatalon sa Quezon City, nasunog | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Residential area sa Barangay Tatalon sa Quezon City, nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2018 - 06:28 AM

Photo from Fire Emergency Paramedic assistance Group

Tinupok ang isang residential area sa Agno Street, Barangay Tatalon sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 4:00 ng madaling araw na agad iniakyat sa 5th alarm.

Ayon sa Quezon City Fire Department aabot na sa mahigit 100 mga bahay ang naapektuhan ng sunog.

Halos katapat lamang ng Sto. Domingo Church ang mga bahay na nasunog.

Dahil sa nasabing sunog, pansamantalang hindi nadaanan ang bahagi ng Quezon Avenue bago dumating ng Araneta Avenue patungong elliptical road.

Napuno kasi ng truck ng bumbero ang kalsada.

Aabot sa P1 milyon ang halaga ng mga nasunog na ari-arian. Sinasabing naiwang charger ng cellphone na nakasaksak ang pinagmulan ng apoy.

Pasado alas 7:30 ng umaga ay naideklara nang fire out ang sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Radyo Inquirer, Tatalon Quezon City, fire incident, Radyo Inquirer, Tatalon Quezon City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Ad
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub