Binuong consultative committee para mag-aral sa Cha Cha, nagsimula nang magpulong
Nagsimula nang mag-convene ang binuong consultative committee ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-aaral sa gagawing pag-amyenda sa Saligang Batas.
Isinagawa ang unang sesyon ng komite sa PICC kung saan kabilang sa mga naunang tinalakay ay ang mga posinleng magiging porma ng gobyerno; kasama sa pinag-iisipan ay ang presidential, parliamentary at hybrid.
Si dating Chief Justice Reynato Puno ang nag-preside ng pulong bilang siyang chairman ng komite at isa-isang nabigyang pagkakataon ang bawat miyembro para magsalita.
Si San Beda graduate school of law dean, Fr. Ranhilio Aquino sinabing pabor siya sa bicameral parlimanent, kung saan pamumunuan ang bansa ng isang Prime Minister at ang mga miyembro ng gabinete ay magmumula sa mababang kapulungan.
Maari din aniyang magkaroon ng “shadow cabinet” na kahalintulad ng “Westminister-style parliamentary form of government”.
Ang nasabing komite ay binuo ni Pangulong Duterte para mag-rekomenda ng kung anong proseso ang maaring sundin para sa charter change o pag-amyenda sa Saligang Batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.