Holdaper na nanlaban sa mga pulis patay sa Ermita, Maynila

February 27, 2018 - 07:29 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang holdaper matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Ermita, Maynila.

Ayon sa 20 taong gulang na biktima, nag-aabang lang sya ng masasakyang taxi sa Silvias St. nang atakahin sya ng riding-in-tandem.

Makikita rin sa CCTV footage ng Brgy. 663, ang pagtutok ng baril ng holdaper at sapalitang pagkuha nito ng cellphone at pera na dala ng biktima.

Matapos nito ay sinuntok ng suspek ang biktima at pinaputok umano ang baril sa kalsada.

Agad naman na napatakbo ang biktima at nagpasaklolo sa mga otoridad.

Ayon kay Lawton PCP Commander Police Senior Inspector Randy Veran, tyempong may mga pulis sa lugar kung kaya’t mabilis na narespondehan ang krimen.

Naging maaksyon pa nga ang paghuli sa suspek dahil nagkaroon ng habulan sa Muelle del Rio kung saan nagpaputok pa ang angkas ng motorisklo kaya nagkaroon ng engkwentro.

Napuruhan ang suspek habang nakatakas ang kasamahan niyang rider.

Bukod sa cellphone at pera ng biktima ay nakuha sa suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Habang narekober naman ng SOCO sa pinanyarihan ng engkwentro ang kalibre .22 na baril.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na holdaper.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: crime, Ermita, holdap, manila, MPD, crime, Ermita, holdap, manila, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.