“PNP pain in the ass” – Duterte

By Chona Yu February 27, 2018 - 01:56 AM

 

Problema pa rin ang ilang tiwaling miyembro ng Philippine National Police.

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong shooting range ng Armscor sa Buhangin Davao City, sinabi nito na ito ay dahil sa marami pa ring mga pulis ang matitigas.

Pero ayon sa pangulo, karamihan sa mga pulis na matitigas ang ulo ay pawang nasa Metro Manila lang naman.

Dagdag ng pangulo, hindi lang naman kahapon nagsimula ang PNP kundi matagal na.

Aminado si Duterte na hindi niya matukoy ang dahilan kung bakit hanggang ngayon marami pa rin sa mga pulis ang mga pasaway.

“Alam mo, do not be offended but I’m okay with the Armed Forces. But I have a problem with the PNP. It has been a perennial pain in the ass ever since. Sa Manila lang naman, Manila lang.” Giit ng pangulo.

Matatandaang sa ikalawang pagkakataon muling pinalawig ng pangulo ang termino ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa dahil sa hindi pa tapos ang cleansing process at pagreporma sa Pambansang Pulisya.

Enero ng taong kasalukuyan, nagretiro na si Dela Rosa matapos maabot ang mandatory retirement age sa PNP na 56 na taong gulang.

Gayunman, pinalawig ito ng pangulo ng tatlong buwan kung kaya dapat na magreretiro na si Dela Rosa sa Abril.

Pero noong Martes, inanunsyo ng pangulo na muli niyang palalawigin ang termino ni Dela Rosa.

Gayunman, wala nang ibinigay na petsa kung hanggang kailan mananatili si Dela Rosa bilang pinuno ng PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.