Ex-Comelec chair Bautista, ipinaaaresto na ng Senado
Ipinaaaresto na ng Senado si dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ito ay matapos na makailang ulit na mabigo si Bautista na dumalo sa mga pagdinig ng Senado kaugnay ng kinikuwestyong umano’y tagong yaman nito.
Ayon kay Senador Francis Escudero, pinuno ng Senate committee on bank, financial institutions and currencies, noong Miyerkules pa napirmahan ni Senate President Koko Pimentel ang arrest warrant laban kay Bautista.
Susunod naman aniyang hakbang ay ang pakikipag-ugnayan ng Senate Sergeant-at-Arms sa iba’t ibang law enforcement agencies upang ipatupad ang warrant.
Kabilang sa ahensyang lalapitan ng OSAA ang Bureau of Immigration o BI.
November 21, 2017 nang lumabas ng bansa si Bautista upang maghanap umano ng payong-medikal sa isang karamdaman na hindi nito tinukoy.
Matatandaang makailang ulit nang ipinatawag ng Senado si Bautista upang pagpaliwanagin sa isyu ng umano’y ill-gotten wealth nito.
Gayunman, sa kabila ng mga subpoena ay bigong humarap sa mga pagdinig ang dating Comelec chief.
Noong nakaraang taon, ibinulgar ng misis ni Bautista ang umano’y umaabot sa P1-bilyong unexplained wealth nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.