Recruiter ni Joanna Demafelis iimbestigahan na rin ng NBI
Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga recruiter ni Joanna Demafelis, ang overseas Filipino worker (OFW) na isinilid sa isang freezer sa Kuwait.
Inihain ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre ang Department Order 102 na magsagawa ng criminal investigation, at maghain ng mga kaso laban sa Our Lady of Mount Carmel Global E-Human Resources Incorporated kung may ebidensya.
Nangako rin si Aguirre na bibigyang-hustisya ang pagkamatay ni Demafelis.
Matatandaang naaresto na ang dalawang employer ni Demafelis na hinihinalang nasa likod ng pagkasawi ng OFW.
Personal pa na dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ni Demafelis at kanyang tiniyak sa mga kaanak nito na mabibigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.