Pulis na terorista pina-iimbestigahan na ni PNP Chief Dela Rosa

By Rohanisa Abbas February 26, 2018 - 03:52 PM

Inquirer file photo

Inaalam ng Philippine National Police ang posibleng pagkakaugnay ng isang pulis sa mga terorista.

Ayon kay PNP chief Director General Ronald Dela Rosa, magsasagawa ang Criminal Investigation and Detection Group ng malaliman imbestigasyon kay SPO4 Andy Ata.

Inaresto si Ata kasama si Juromee Dongon na pinaniniwalaang byuda ng napatay na lider ng Abu Sayyaf na si Khadaffy Janjalani, at Malaysian bomber na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Natimbog sina Ata at Dongon sa Tubod, Lanao del Norte noong Linggo.

Matatandaang noon April 2017, inaresto si Supt. Ma. Cristina Nobleza at umano’y miyembro ng Abu Sayyaf group na si Renierlo Dongon sa isang checpoint sa Barangay Bacani sa gitna ng sagupaan ng pwersa ng gobyerno at ng bandidong grupo sa Bohol.

TAGS: ata, dela rosa, Marwan, PNP, terrorist, ata, dela rosa, Marwan, PNP, terrorist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.