BREAKING: Luzon grid, isinailalim sa yellow alert dahil sa kapos na reserba ng kuryente
Isinailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang buong Luzon dahil sa kakaunting reserba sa kuryente.
Ayon sa NGCP, nasa 9,971 megawatts lang ang available capacity ng kuryente sa Luzon habang aabot sa 9,018 megawatts ang peak demand.
Manipis ang reserba ng kuryente dahil sa hindi inaasahang shutdown ng ilang planta ng kuryente.
Sa abiso ng MERALCO, alas 11:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at alas 2:00 hanggang alas 4:00 ng hapon ang pag-iral ng yellow alert sa Luzon grid.
Dahil dito, nagpa-abiso ang MERALCO sa consumers ng mga maaring gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng power interruption.
Ayon sa MERALCO, malaki ang tulong ang pag-iwas sa pagbubukas-sara ng refrigerator kung hindi naman kinakailangan, palagiang paglinis sa electric fan blades at aircon vents, at pag-unplug sa mga appliances na hindi naman ginagamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.