Mahatao, Batanes, niyanig ng magnitude 3.6 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2018 - 08:41 AM
Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Mahatao sa lalawigan ng Batanes.
Naitala ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol sa 2 kilometers South ng Mahatao alas 6:20 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim lang na 19 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Dahil sa nasabing pagyanig, naitala ang intensity III sa Basco, Batanes.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershock ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.