Pagkilos para hindi matuloy ang midterm elections sa 2019, itinanggi ni Rep. Umali

By Erwin Aguilon February 26, 2018 - 03:44 AM

 

Mariing pinabulaanan ni Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali na gumagawa na siya ng paraan upang hindi magkaroon ng SK at Barangay election at midterm elections sa 2019.

Ayon kay Umali, nakasaad sa kanyang inihaing House Bill 7167 ay pagpapaliban lamang ng Barangay Election ngayong Mayo.

Paliwanag ni Umali, nakadepende pa rin ito sa pasya ng kanyang mga kapwa mambabatas dahil mas nakatuon sila ngayon sa pagpapalit ng Saligang Batas na isa sa prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panukala ni Umali, nais niyang ipagpaliban muna sa taon na ito ang pagdaraos ng barangay at SK polls at isagawa na lamang sa ikalawang Lunes ng May 2019 para bigyan ng pagkakataon ang pamahalaan sa proseso na dapat pagdaanan ng pagbago ng Saligang Batas.

Sa ngayon, sinabi ni Umali na “matutuloy ang eleksyon sa 2019” at pagsabaysabayin na lamang daw ang plebesito para sa bagong Konstitusyon at ang barangay at SK polls.

Pahayag ito ng Oriental Mindoro solon kasunod ng ibinunyag ni Caloocan Rep. Edgar Erice na ikinakampanya ni Umali sa Metro Manila congressmen ang postponement ng barangay at SK elections sa Mayo upang sa gayon ay hindi rin daw matuloy ang halalan naman sa sususnod na taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.