Adamson, pinataob ang DLSU sa UAAP Season 80 women’s volleyball cup

By Inquirer.net, Rhommel Balasbas February 25, 2018 - 12:52 AM

Muling nakatikim ng talo ang defending champions na De La Salle University Lady Spikers sa katauhan ng Adamson Lady Falcons sa kanilang laban para sa UAAP Season 80 women’s volleyball cup.

Wagi ang Adamson kontra DLSU sa iskor na 25-18, 15-25, 25-19, 25-22.

Dahil dito, gumanda ang win-loss record ng Adamson sa 3-3 at nasa ikaapat na pwesto habang ang DLSU naman ay bumaba sa 4-2 record.

Ayon kay Adamson head coach Air Padda, nahirapan siyang pamunuan ang team matapos ang dalawang magkasunod na talo nito.

Anya, nawala sa focus ang koponan nang matalo sa University of Santo Tomas.

Gayunman, isang malaking ‘sigh of relief’ ang naging panalo nila kontra La Salle ngayon.

Nanguna si former Lady Spiker Eli Soyud para sa Adamson sa kanyang 18 points habang nanguna naman para sa La Salle si Mary Boy Baron.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.