Recruitment agency mananagot sa pagkamatay ni Demafelis ayon sa DOLE

By Den Macaranas February 24, 2018 - 09:27 AM

RTVM

Tiniyak ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mananagot sa batas ang recruitment agency ng OFW na si Joanna Demefelis dahil sa kanyang sinapit sa kamay ng mga employer sa bansang Kuwait.

Ilalim ng mga umiiral na batas, sinabi ng kalihim na civilly at administratively liable ang ahensiya na nagpaalis kay Demafelis.

Dapat umanong minomonitor ng mga ahensiya ang kalagayan ng mga manggagawa na kanilang ipinadadala sa abroad.

Nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa National Bureau of Investigation (NBI) para mahanap ang nasabing mga recruiters ni Demafelis.

Nauna dito ay sinabi ni Bello na nahuli na sa Lebanon ang lalaking employer ni Demafelis ito ay sa pamamagitan ng tulong ng Interpol.

Tiniyak rin ng opisyal na lahat ng mga tulong ay kanilang ibibigay sa pamilya ng biktima base na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: Bello, demafelis, DOLE, kuwait, lebanese, recruitment agency, Bello, demafelis, DOLE, kuwait, lebanese, recruitment agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.