24 na 2nd generation LRVs ng LRT 1, kukumpunihin

By Rhommel Balasbas February 24, 2018 - 04:58 AM

Lumagda sa isang P450 million agreement ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) at engineering at industrial company na Voith Digital Solutions Austria GmBH and CO KGH.

Ito ay para sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng generation 2 trains ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na sakaling matapos ay inaasahang magpapabilis pa sa travel time ng mga pasahero ng linya ng tren.

Ayon kay LRMC President and Chief Executive Officer Juan F. Alfonso, 24 na generation 2 light rail vehicles (LRV) ang kukumpunihin sa loob ng dalawang taon.

Ito ang kauna-unanhang ‘overhaul’ ng Generation 2 LRVs simula ng mabili ang mga naturang bagon sa Hyundai and Adtranz Sweden noong 1999.

Sakaling maisakatuparan, magpapadali pa ito sa pagcocommute ng mga pasahero sa LRT 1 ayon kay Alfonso.

Nauna nang natapos ng LRMC ang P1-billion rehabilitation ng generation 1 LRVs ng LRT 1 na nagdulot ng mga positibong resulta tulad ng pagtaas ng bilang ng biyahe ng tren at pagbawas ng ‘waiting time’ ng mga pasahero.

Sa kasalukuyan mayroong 51 na generation-1 LRVs na binili noong 1984 ang LRT 1, walong generation-2 LRVs at 44 generation-3 na binili naman noong 2007.

Darating naman ang 120 bagong LRVs na binili ng Department of Transportation sa taong 2020.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.