Pinakamalaking sanction laban sa North Korea, ipatutupad ng US

By Mark Makalalad February 24, 2018 - 04:55 AM

Nakatakdang magpatupad ng panibagong sanction ang US sa North Korea.

Ayon kay US President Donald Trump, pinaghahandaan na nila ang paglulunsad ng pinakamalaking sanctions laban sa bansa.

Sakop ng bagong hakbang ang mahigit 50 ships at maritime transport companies kung saan damay din ang China at Taiwan.

Layon daw nito na putulin ang sources ng revenue na nagpopondo sa nuclear program ng North Korea.

Samantala, hidi naman tinukoy kung saan nakabase ang mga barko at kumpanya ang kanilang target.

2008 ng unang magpatupad ng sanctions ang US sa North Korea dahil sa kanilang nuclear program.

Nagpatupad din ng kaparehong sanctions ang United Nations makaraan ang desisyon na inilabas ng Security Council.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.